Kung nais ang natural at alternatibong paraan, huwag nang lumayo pa. Nasa bakuran n’yo lang ang remedyo. Narito ang mga halamang gamot na rekomendado ng kilalang Herbalist na si Arnold Pesit:
ARATILES
- Mainam sa pagtatae at dysentery o pagduming may kasamang dugo
- Pakuluan ang ilang dahon at inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw
LUYA
- Makakatulong para maibsan ang pagtatae, lagnat, sipon at ubo
- Dikdikin at pakuluan ang katamgtamang dami ng dahon
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw
BALBAS PUSA
- Mahusay sa gout o pananakit ng kasu-kasuan, lalo na kung mataas ang uric acid dala ng sobrang pagkain ng lamang-loob
- Mainam rin ito sakit sa bato at pantog
- Ilagay ang katamtamang dami ng dahon sa kumukulong tubig
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw
LUYANG DILAW
- Mabisa ito kapag naparami ang kinaing matataba o malalangis
- Pampababa ng cholesterol
- Ilaga ang isang dakot ng hiniwa-hiwang luyang dilaw sa 3 basong tubig
- Pakuluan sa katamtamang apoy ng 5 minuto
- Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang araw
LAGUNDI
- Mabuti sa sipon, trangkaso, hika at lagnat
- Pakuluan ang katamtamang dami ng dahon
-Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang raw
BAYABAS
- Mabisa sa pagtatae, sakit ng tiyan at pagduming may halong dugo (dysentery)
- Ibabad ang mga dahon sa mainit na tubig
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw
TSAANG GUBAT
- Mabisa sa empatso, nasobrahan ng kain, pagtatae at dysentery
- Pakuluan sa mahinang apoy ang 1 dakot na dahon nang 5 minuto
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw
Paalala lang, ang mga nabanggit na halamang gamot ay pang-ayuda o pangunang lunas lamang. Sakaling ang inyong nararamdaman ay mahigit nang 3 araw, huwag mag-atubiling komunsulta sa doktor. Kung magkaroon ng kakaibang reaksyon sa katawan ang mga nabanggit, itigil ang paggamit. -- with reports from Rea Tiama and Raquel Tagle, Segment: May Remedyo Dyan, December 25, 2011
No comments:
Post a Comment