Sunday, December 30, 2012

Salamat Dok: Ikaw at ang iyong vitamins



Kayo ba’y umiinom ng vitamins? Ang mga vitamins at minerals na kailangan ng katawan ay nakukuha natin sa mga pagkain araw-araw lalung-lalo na sa gulay, isda at prutas. Nakukuha rin natin ito sa mga supplements na mabibili sa botika. Maaaring nagtatanong ang ilan sa inyo kung kailangan ba talaga ito? Narito ang ilang practical tips mula kay Dr. Willie Ong kung bakit kailangang uminom ng vitamins?

Maraming nakakatakot na sakit ang naglalabasan sa ating paligid. May swine flu, epidemya, tu¬ber¬culosis, trangkaso, perwisyong ubo, at marami pang iba. Para malabanan ang sakit, kailangan ma-lakas ang resistensya ng katawan. Kumain ng tama, matulog ng 7-8 oras, magbawas sa stress at uminom din ng multivitamin.
Kulang sa bitamina ang pagkain ng Pinoy. Kara-mihan sa atin ay matipid kung kumain. Isang ulam lang at 2 platong kanin para mabusog. Eh, anong sustansya ba ang mayroon iyan? Ang kailangan ng katawan mo ay sari-saring pagkain tulad ng 1 platong kanin, isang gulay at konting isda o karne. Dagdagan mo pa ng isang saging o dalandan. Iyan ang kumpleto sa bitamina at pampalakas ng katawan.
Maraming stress sa ating buhay. Ang stress ay nakakaedad sa katawan. Kaya magandang uminom ng vitamin, lalo na ang may vitamin B para malabanan ang stress. Tumutulong ang bitamina sa paghilom ng nasisi-rang selula sa ating katawan

Maraming klaseng vitamins. Iba-ibang hugis, kulay at lalagyan. Narito ang ilan sa mga iniinom natin at mga dapat tandaan tungkol dito:

Calcium

- Mas naa-absorb o nagagamit ito ng katawan kung iinumin sa gabi
- Nakatutulong itong mapaganda ang pagtulog sa gabi.
- Mas epektibo kung 500 milligrams lamang. Kung 1000 ang nabili, hatiin sa dalawa.
- Maaaring magkaroon ng interaksyon ang calcium sa antibiotics, bisphosphonates at mga gamot sa altapresyon. Inumin ang calcium ilang oras bago o pagkatapos ng ibang pang gamot.

Vitamins A, D, E at K

- Mas magandng isabay sa pagkain para sa mas magandang epekto sa katawan

Vitamin C

- Ilang oras lamang itong nagtatagal sa daluyan ng dugo. Para sa mas magandang resulta, inumin kada 3 oras o kaya’y kada matapos kumain.
- Huwag inumin bago matulog. Isa itong stimulant at maaaring hindi kayo makatulog.

Fiber

- Kailangan ng katawan sa umaga pagkagising para malinis at mawalis ang laman ng bituka bago pa ito mabarahan ng bagong pagkain.

Rekomendado ni Dok

Sa panayam ng isang TV show kay Dr. Andrew Weil, Amerikanong author at isa sa mga nagsusulong ng Integrative Medicine, inirerekomenda niya sa babae’t lalaki edad 18 pataas ang tinatawag na ‘daily antioxidant regimen” na kinabibilangan ng:

200mg Vitamin C
400 hanggang 800 IU natural Vitamin E
200mcg Selenium
15,000 hanggang 20, 000 IU Mixed Carotenoids
30 hanggang 100mg Coenzyme Q10

Dagdag pa ni Dr. Weil, ang mga nabanggit na vitamins ay mas magbibigay ng magandang resulta sa katawan kung sasabayan ng:

- Paglalakad araw-araw
- Pagkaing mayaman sa antioxidant at omega 3 fatty acids
- Pag-iwas sa paninigarilyo at second hand smoke
- Breathing exercises, yoga, meditation at iba pang relaxation

-- with reports from Otek Galauran, Segment: Medicine 101, aired November 27, 2011

Tuesday, December 25, 2012

Sunnah of Sleeping

1. Do Miswaaq Before Going Sleep
2. Sleeping With Wudhu Is A Sunnah
3. Shake Your Blanket
4. Recite The Sleeping DUA -Allahumma Bismika Amutu Wa
... Ahya
5. Don't Sleep On Your Stomach ,
6. Sleep On Your Right Side With Your Right Hand On Your Cheek
7. Recite Surah Al-Fatiha, Ayat-ul-Kursi, Surat Al-Ikhlas, Surat Al-
Falaq, Surat Al-Naas: 3 Times -
8. SubhanAllah 33 Times, Alhamdulillah 33 Times, Allahu Akbar 34
Times
9. Recite Darood Shareef
10. Try To Wake Up Early For Tahajjud
11. Don't Forget To Set Your Alarm For Fajr Salah
Always Remember - Salah Is BetterThan Sleep♥

Friday, December 14, 2012

Halamang gamot

Kung nais ang natural at alternatibong paraan, huwag nang lumayo pa. Nasa bakuran n’yo lang ang remedyo. Narito ang mga halamang gamot na rekomendado ng kilalang Herbalist na si Arnold Pesit:

ARATILES

- Mainam sa pagtatae at dysentery o pagduming may kasamang dugo
- Pakuluan ang ilang dahon at inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

LUYA

- Makakatulong para maibsan ang pagtatae, lagnat, sipon at ubo
- Dikdikin at pakuluan ang katamgtamang dami ng dahon
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

BALBAS PUSA

- Mahusay sa gout o pananakit ng kasu-kasuan, lalo na kung mataas ang uric acid dala ng sobrang pagkain ng lamang-loob
- Mainam rin ito sakit sa bato at pantog
- Ilagay ang katamtamang dami ng dahon sa kumukulong tubig
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

LUYANG DILAW

- Mabisa ito kapag naparami ang kinaing matataba o malalangis
- Pampababa ng cholesterol
- Ilaga ang isang dakot ng hiniwa-hiwang luyang dilaw sa 3 basong tubig
- Pakuluan sa katamtamang apoy ng 5 minuto
- Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang araw

LAGUNDI

- Mabuti sa sipon, trangkaso, hika at lagnat
- Pakuluan ang katamtamang dami ng dahon
-Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang raw

BAYABAS

- Mabisa sa pagtatae, sakit ng tiyan at pagduming may halong dugo (dysentery)
- Ibabad ang mga dahon sa mainit na tubig
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

TSAANG GUBAT

- Mabisa sa empatso, nasobrahan ng kain, pagtatae at dysentery
- Pakuluan sa mahinang apoy ang 1 dakot na dahon nang 5 minuto
- Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

Paalala lang, ang mga nabanggit na halamang gamot ay pang-ayuda o pangunang lunas lamang. Sakaling ang inyong nararamdaman ay mahigit nang 3 araw, huwag mag-atubiling komunsulta sa doktor. Kung magkaroon ng kakaibang reaksyon sa katawan ang mga nabanggit, itigil ang paggamit. -- with reports from Rea Tiama and Raquel Tagle, Segment: May Remedyo Dyan, December 25, 2011